RATED R
ni Rommel Gonzales
“AKO po ang goal ko po, magkaroon po ng hit song,” bulalas ni Andrea Gutierrez na tinaguriang Bossa Nova Princess sa tanong kung ano ang nais niyang makamit bilang isang artist.
“Iyon po talaga ‘yung number one goal ko, and siyempre po makilala po sa industry.”
Kaninong career ng isang celebrity ang nais ni Andrea na sundan o marating?
“Kakapanood ko lang po ng concert niya, si Ms. Lani Misalucha po. Kasi before po ako mag-Bossa Nova ang mga kinakanta ko po ‘yung mga ‘Tila,’ ganyan po, ‘yung mga song po ni Ms. Lani.
“So siya po ‘yung idol ko.”
Gaganapin sa December 13 sa Music Museum ang major concert nina Andrea at Isha Ponti, ang Asia’s Pop Sweetheart, na pinamagatang The Next Ones.
Produced ng Ponti Entertainment Production at sa direksiyon ni Calvin Neria. Mga special guest sa show sina Rey Valera, Aquila Packing Nathan Randal, Graciel Hizon, at Raymond Gorospe.
Ilang beses na ring nakasama ni Andrea sa show si Rey, ano ang natutunan niya mula sa isang musical icon ng Pilipinas?
“Sabi po sa akin ni Tito Rey ‘yung mga pronunciation ko po,” at natawa si Andrea, “kasi more on English po ako tapos ‘yung mga kanta niya po more on Tagalog.
“And sabi niya po sa akin na kung mayroon man po ako na ilalabas na song, i-share ko lang daw po nang i-share hanggang sa kumalat ‘yung song.”
Trivia, ang mommy ni Andrea na si Rowena Dayacap Gutierrez ay schoolmate namin noong kolehiyo sa Perpetual Help College of Laguna na ngayon ay University of Perpetual Help System Laguna.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com