MATABIL
ni John Fontanilla
MAGKASABAY na ipinakilala ng CEO & President ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche-Tan ang mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez bilang pinakabong ambassador Belle Dolls last November 17 sa Grand Ballroom ng Solaire North.
Napakasaya ni Vice Ganda na makasama sa isang endorsement ang kanyang partner na si Ion, kaya naman very thankful ito sa Beautederm at sa CEO nitong si Ms. Rei.
Speaking of Vice Ganda, natanong ito kaugnay sa challenges na pinagdaanan nila for seven years na kanilang nalagpasan at napagtagumpayan.
Ayon kay Vice Ganda, mahalaga raw ang pagbibigay ng “space” at “freedom” sa isa’t isa para mas maging matibay ang pagsasama at relasyon ng magpartner.
“It doesn’t matter. Hindi kinakailangan na lagi kaming magkasama. Kailangan din namin i-enjoy ang mundo.
“Who would’ve ever thought na magse-celebrate kami ng seven years. Hinahayaan lang namin na ‘yung life na mag-unfold.
“You just wait, ‘wag mo ipilit, while waiting you just enjoy life.”
Dagdag pa nito, “I have decided to spend the rest of my life with him, happy anniversary, I love you! Thank you for everything, thank you for every day and thank you for being you,” ani Vice Ganda kay Ion.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com