MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ng dalawa sa bida ng Ang Mutya ng Section E na sina Andres Muhlach at Rabin Angeles na may namumuong rivalry sa kanilang dalawa.
Ayon kay Rabin sa naganap na presscon ng second season ng Ang Mutya ng Section E: The Dark Sidena ginanap sa Viva Cafe last November 18, “Parang ako po hindi eh! Parang pagbalik po namin magti-taping na kami ng ‘Mutya.’ Parang na-miss po namin ‘yung isa’t isa eh.
“Talaga sa worshop po, may workshop po kami kay Miss Ana Fileo (acting), napag- usapan po namin, kung nagbabasa-basa ba ako (comment sa social media)? Nagsisimula pa lang kami sa ‘Mutya ng Sectio E,’ sinasabi sa akin ni Andres, sinasabi ko po sa inyong lahat na parang kuya ko po ‘yan (Andres).
“Itinuturo po niya sa akin ‘yan, ‘’wag ka magbabasa ng mga comment masyado ganyan-ganyan para ‘di ka maapektuhan.’
” Kaya roon po sa workshop namin, napag-usapan po namin ‘yan na, minsan may nababasa akong mga comment, minsan nalulungkot po ako. Pero niremind po namin sa workshop na game na tayo ulit ‘wag ka magbabasa-basa ng mga comment masyado para ‘di ka maapektuhan.
“Okey po kami,” mahabang paliwanag ni Rabin.
Sagot naman ni Andres, “Ayon nga sa tingin ko rin, when it comes to work were all friends, that’s the beauty of ‘Ang Mutya ng Sectio E’ was the bond with everyone in the cast.
“I think that’s brought the magic, really, and kahit naman nag-aaway sila minsan, we’re just really support and try not look into it to much talaga.
“Because at the end of the day we’re all friends really and we enjoy each others company. So parang really, I don’r see it that there’s a rivalry. You know I see that they’re just very supportive, and they’re just want the best for us, ayun.”
Makakasama nina Andres at Rabin sa season 2 ng Ang Mutya ng Section E, The Dark Side si Ashtine Olviga with Angela Muji Andre Yllana, Heart Ryan, Sara Joe, Charles Law, Axel Torres, Keagan De Jesus, Ethan David, Frost Sandoval, Nic Galvez, Sam Shoaf, AJ Ferrer, Michael Keith, Kurt Delos Reyes, Martin Venegas, Kyosu Guinto, Daniel Ong, Yanyan De Jesus, Derick Ong, Alex Payan, Rafa Victorino, Jastine Lim, Zeke Polina, Rommel Luna, Yayo Aguila, Joko Diaz, Nathalie Hart, Billy Villeta, Austin Dizon, Jeffrey Hidalgo, Taneo, Rhen Escaño, at Nanette Inventor. Directed by Petersen Vargas at magsisimulang mapanood ang part 1 sa December 4 at sa June 11 naman ang part 2 sa Viva One.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com