MATABIL
ni John Fontanilla
BUMIGAY at nabinyagan si direk Joel Lamangan sa pelikulang Jackstone 5 ng Apex Creative Productions Inc., dahil nagkaroon ito ng kissing scene sa isang newbee actor na si Abed Green.
Paulit-ulit ngang kuwento ni direk Joel, “Sa totoo lang that was my first kissing scene in film.”
Pag-amin ng direktor, nanginig siya habang ginagawa at kinukunan ang unang halik sa big screen.
“That was also his first ever kissing scene sa kapwa niya lalaki.
“Hindi ako kinabahan (sa kissing scene) pero na-excite ako.”
Ayaw maniwala ng mga invited press people na sa tagal ni Direk Joel sa showbiz ay ngayon lang siya nagkaroon ng kissing screne, kaya naman paulit-ulit nitong sinabi na first kissing scene niya ‘yun sa pelikula at sa isang lalaki.
Makakasama ni Direk Joel sa pelikula sina
Eric Quizon, Gardo Versoza, Jim Pebengco at Arnel Ignacio With Abed Green, Rico Barrera, Jhon Mark Marcia, Prince Clemente, Marcus Madrigal, at Elora Españo.
Mula ito sa panulat ni Eric Ramos at idinirehe rin ni Lamangan. Mapapanood sa mga sinehan nationwide sa December 3, 2025.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com