MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBABALIK-PELIKULA si Arnell Ignacio na matagal-tagal ding namahinga sa pag-arte. Isa sa bibida sa pelikulang Jackstone 5 na hatid ng Apec Creative Productions Inc., si Arnell na idinirehe ni Joel Lamangan.
Ayon kay Arnell, sana ay masundan pa ng maraming pelikula ang Jackstone 5.
“I really hope so, masarap talagang umarte lalo na’t napakasaya ng environment. Ito ‘yung trabaho na ‘di mo na iisipin, ay may sahod pala.”
Dagdag pa nito, “It’s a blessing na pagkakataon na mabigyan ka bilang artista na gawin mo ‘yung trabaho mo bilang artista. Kasi ang saya-saya at ang dami mong natututunan. Mai-immortalize pa ‘yung ginawa mo dahil pelikula, abo na ako andyan pa rin ang pelikula.”
Sa pelikula nga ay nag-aaway sila ni Eric Quizon sa isang lalaki na ginagampan ni Abed Green na ang ending ay si direk Joel ang nagwagi.
“Ayon nga ang nakatatawa kasi halos buong pelikula kaming dalawa (Eric) ang nag-aaway, pinag aawayan namin si Abed.
“Pero ang ending talaga sa kanya lang mapupunta (direk Joel). Sa likod ng bato namin nahuli, kaya lost kaming dalawa ni Eric.”
Kasama rin sa pelikula sina Gardo Versoza, Jim Pebanco, at Joel Lamangan. With Abed Green, Rico Barrera, Jhon Mark Marcia, Prince Clemente, Marcus Madrigal, at Elora Españo.
Iikot ang istorya sa limang bading na magkakaibigan na pare-perong OFW na magbabalik-tanaw sa kanilang pagkakaibigan years, years back. Mga kuwento ng kanilang naging buhay bilang OFW at mga naging conflict nila sa isa’t isa atbp..
Base na rin sa napanood naming trailer ng pelikula nakatatawa ang movie, mahuhusay ang cast at maganda ang mensahe na ukol sa pagkakaibigan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com