RATED R
ni Rommel Gonzales
CHINESE at UK-based ang international actress/singer na si Qymira ngunit malapit sa puso niya ang mga Filipino.
May foundation siya, ang One Gaia na tumutulong sa mga kabataan sa Cebu, Bohol, Pampanga, Bataan at kung saan-saan pa.
May mga kaibigan kasi ang singer/actress sa UK, Hong Kong, at LA na mga Filipino at sa pakikipagkuwentuhan niya sa mga ito ay nalaman niya ang mahirap na sitwasyon ng maraming kakabayan natin, lalo na ang mga bata sa Pilipinas.
Kaya madalas magpabalik-balik sa bansa si Qymira para personal na tumulong via her foundation.
Nakapag-perform na rin sa mga event ng One Gaia sina Billy Crawford at Kris Lawrence na mga kaibigan ni Qymira.
Paano niya nakilala sina Billy at Kris?
“Oh, Billy was from the tour that we did a while ago in the UK years ago. That’s the first time I met him. The tour was Liberty X, it was a UK act at the time.”
Nagkaroon ng successful singing career si Billy sa UK ilang taon na ang nakalilipas.
“Yes, exactly,” pagsang-ayon ni Qymira. “So we were actually support acts in the UK. So support acts for Liberty X and we were both actually touring during that time.”
Nakilala naman ni Qymira si Kris sa isa ring Filipino, ang iconic composer na si Vehnee Saturno.
“Vehnee was through my friend Ferdie Morris from the UK. Ferdie used to be my manager when at the time I met Billy. Then he introduced me to Vehnee a while after that.”
Matapos maipakilala sa kanya si Kris ay nagkaroon na rin sila ng singing collab tulad ni Billy.
At ngayon, female led si Qymira sa Shadow Transit ng Pinoy director na si Pedring Lopez.
Bidang lalaki rito ang Indonesian/American international actor na si Yoshi Sudarso na nagbida sa mga Power Rangers film franchise.
Si Yoshi ay nakasama rin sa pelikulang Bullet Train na pinagbidahan nina Brad Piit, Joey King, Sandra Bullock at iba pa noong 2022.
Nasa Shadow Transit din si KC Montero at ito ay produced nina Pedring, Sonny, at misis ni Pedring na si Maia Yambao-Lopez at mula sa BlackOps Studios Asia Production at ACT3 Studio at APL Films.
Kasali ito sa QCinema Selects ng QCinema International Film Festival 2025 at mapapanood sa gala premiere at talkback nito sa November 22, Sabado, sa Cinema 16 ng Gateway Mall.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com