MATABIL
ni John Fontanilla
GOODVIBES ang dating sa netizens ng clips na ipinost ni AJ Raval sa kanyang Instagram na magkakasama ang mga anak ni Aljur Abrenica sa kanila ni Kylie Padilla.
Ang nasabing post ni AJ ay may caption na: “With all my heart and deepest respect, I give all the glory back to You, Lord.
Thank You for every blessing, for every moment of grace, and for saving me in ways I can never fully express.
Today, on our first family outing and this Thanksgiving Day, my heart overflows with gratitude for Your love that never fails. ”
Kinumpirma mismo ni AJ sa show ni Boy Abunda na tatlo na ang anak nila ni Aljur.
Na pinuri naman ni Kylie ang tapang ni AJ na aminin sa publiko ang tungkol sa anak nila Aljur.
Ayon kay Kylie, “It’s true, sobrang mahal ng mga anak ko ang mga kapatid nila, and that means everything to me … Happy that now di na kailangan magtago … Peace all around. Sana matapos na drama.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com