NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya at lungsod sa kanilang dalawang araw na Panday Bayanihan relief mission noong 14-15 Nobyembre 2025.
Muling ipinakita ng kabataang may diwang bolunterismo ang mabilis, sama-sama, at makataong pagtugon sa panahon ng sakuna.
* 14 Nobyembre – unang bugso ng operasyon sa Laguna, Tarlac, Camarines Sur, Camarines Norte, at Rizal.
* Sa Tarlac, mahigit 700 estudyante, guro, at magulang sa Caluluan National High School ang nabigyan ng mainit na pagkain.
* Sa Laguna, 500 residente ng Almeda Subdivision sa Biñan—na nananatiling lubog sa baha—ang nakatanggap ng tulong.
* Sa Rehiyon ng Bicol, mahigit 500 katao sa Calabanga at Magarao, Camarines Sur, at higit 400 sa Daet Public Market sa Camarines Norte ang naabutan ng pagkain.
15 Nobyembre – ipinagpatuloy ang pamamahagi sa Pangasinan, Bataan, Oriental Mindoro, at Metro Manila.
Sa Bataan, mahigit 400 residente ng Brgy. Wawa at Omboy sa Abucay—kakauwi pa lamang mula sa evacuation centers—ang nabigyan ng pagkain.
Sa Pangasinan, higit 500 indibiduwal sa Brgy. Magsaysay, San Jacinto ang natulungan.
Sa Oriental Mindoro, mahigit 500 mainit na pagkain ang naihatid sa mga baybaying komunidad sa San Teodoro.
Sa Metro Manila, mahigit 200 residente ng Baseco Port Area sa Maynila ang nakatanggap ng masustansiyang pagkain mula sa kabataang volunteers.
Hindi lang nutrisyon ang dala ng mga pagkaing ito, kundi kaunting ginhawa para sa mga pamilyang dumaranas ng matinding pinsala—patunay ng matibay na malasakit at mabilis na aksiyon ng FPJ Youth sa panahon ng sakuna.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com