Monday , December 8 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang akusasyon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na inutusan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpasok sa bicameral conference committee ng P100 bilyong halaga ng proyekto sa 2025 national budget.

Ayon kay Lacson, balik-chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, walang probative value ang video statement ni Co dahil hindi ito under oath.

Isa pa, sinabi ni Lacson na bakit pa sa bicameral conference committee magpapasingit ng proyekto si Pangulong Marcos gayong kaya niya itong gawin sa National Expenditure Program o NEP.

Iginiit din ni Lacson na mismong si Marcos ang nag-veto ng P26 bilyong halaga ng proyekto sa ilalim ng DPWH.

“Ba’t sa bicam pa siya mag-papa-insert? Hindi naman siya part ng bicam. Assuming na totoong nagpa-insert sa bicam, ba’t niya ibi-veto?” ani Lacson.

Para naman kay Dizon, imposibleng sangkot ang Pangulo sa nasabing katiwalian dahil siya mismo ang nag-utos na imbestigahan ito.

“Kasi kung involved ka, bakit ikaw mismo ang magpapasabog? Bakit mo gagawin ang lahat nang ito? Bakit mo bubuuin ang isang independent commission?” wika ni Dizon.

“Bakit mo sasabihin lahat ng dapat managot ay dapat managot? Bakit mo sasabihin bago mag-Pasko ay sigurado ng may makukulong?” dugtong pa niya.

Aniya, walang kredibilidad si Co dahil umalis siya ng bansa kasabay ng pagputok ng kontrobersiya ukol sa flood control projects. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Mga pulis na sangkot sa PHP14-M robbery sa  contractor sa Pampanga sinibak

LIMANG pulis, apat na nakatalaga sa Angeles City at isa sa Zambales ang kasalukuyang iniimbestigahan …

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

PAI Philippine Aquatics Buhain

PAI, positibo sa laban ng PH aquatics squad para sa Bangkok SEAG

PUNO ng kumpiyansa ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) sa pagpapadala nito ng isang bata ngunit …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …