MATABIL
ni John Fontanilla
VIRAL ngayon sa social media ang mga litrato ni Nadine Lustre na inihahalintulad ito ng mga netizens sa bundok ng Sierra Madre.
Ang mga litrato ay kuha noong 2023 para sa Overgrown single cover, na mala-diyosa ang dating ni Nadine na nakahiga habang nababalutan ng mga bulaklak at halaman.
Post nito sa Facebook:
“Sierra Lustre
“This #NadineLustre mother nature photoshoot screams:
“Gagawin ko ang lahat para protektahan ang aking bansa, iingatan ko kayo hanggang dulo basta iingatan niyo din ako..”
Narito naman ang mga reaksiyon ng netizen sa naturang pictorial:
“Nadine Lustre as Sierra Madre
Grabe ang galing ng transformation nya!”
“Nadine Lustre as kalmadong Sierra Madre”
“Nadine Lustre is the living Sierra Madre”
“handa akong tumulong para sayo mahal na mahal kong nadine lustre este sierra madre! “
“Sierra Lustre”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com