RATED R
ni Rommel Gonzales
TALAGA namang kinahuhumalingan na ngayon sa social media ang mga tinatawag na vertical short habang nagre-relax o nasa byahe. At ngayon ay bibida na rin ang mga Sparkle artist na sina Michael Sager at Ysabel Ortega sa A Masked Billionaire Stole My Heart para sa kauna-unahang Kapuso vertical series.
Sey ng ilang netizens, “Wow! May bagong aabangan kay Michael! Sa wakas, heto na ang kanyang pagbabalik sa acting! 😍🙌 @michaelsager_ at mukhang bagay sila ni pretty Ysabel. 😍❤️@ysabel_ortega.”
Makakasama nila ang iba pang Kapuso artists na sina Roxie Smith at Luis Hontiveros. Mapapanood ng nasabing shorts sa BingoPlus App. Sino-sino pa kayang Kapuso stars ang gagawa ng mga nakakikilig at nakaiintrigang vertical shorts?
Abangan!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com