MATABIL
ni John Fontanilla
PANSAMANTALANG hihinto muna sa pag-aartista si Kiray Celis para mag-focus sa kanyang negosyo, ang Kiray’s Brands (Hot Babe at Skin Vibe.
Ayon kay Kiray sa matagumpay na launching ng bagong produkto na Hot Babe Green at Skin Vibe, “Opo titigil muna ako sandali sa pag-aartista para tutukan ‘yung negosyo, pero hindi naman totally na iiwan kasi first love ko ‘yun (pag-arte). At saka roon tayo nakilala, roon ako nakabili ng bahay, never na kakalimutan at never na tatalikuran.
“Siguro sa ngayon nagri-ready lang po sa wedding and also sa business. Kapag stable na siguro puwede papitik-pitik, kasi tinatanong din ako ng mama at papa ko, sa kanila po kasi ang pera ko ‘pag nag-aartista ako. Kaya kinukulit na ako ni mama pati ni papa.”
At kahit nga maituturing itong isa nang matagumpay na businesswoman ay feeling ni Kiray ‘di pa niya ikinu-consider ang kanyang sarili na successful.
“Eversince naman po noong artista pa ako hindi ko kinu-consider na may nakakakilala sa akin. Doon po siguro minulat nina mama na parang ‘wag lalaki ang ulo, kung ano ka, ‘yun ka lang, walang magbabago sa ‘yo.
“Kaya siguro ngayon po kahit malaki ‘yung jump ko po from artista to CEO, kasi ‘pag CEO ka alam mo ‘yun ang laki ng responsibilidad sa totoo lang.
“Isa na roon sa marami na akong hawak na tao, parang nakaka-miss din ‘yung jolly Kiray. Pero hindi ko iniisip na successful ako kasi ang dami ko pang binabayaran.
“Parang paikot-ikot lang ‘yung pera ko, kasi kikita ako sa mga product pero may ilalabas na naman ako. Kikita ako pang-suweldo naman sa mga tao.
“Feeling ko po ‘yung successful ako ‘yung hindi na ako pumupunta ng opis. ‘Yung nakahiga lang ako tapos ah okey lang sila okey go ingat parang ganoon. Kaya ang layo ko pa po roon, sobrang layo pa po.
“’Yung parang kahit wala kang gawin kumikita ka, malayo pa po tayo roon. Kailangan pang magsipag, maubos ‘yung boses kada live, alam niyo po yun. Magbenta ng mga product tapos mag-promote, napakalayo pa po natin diyan
“Siguro isa rin sa idadagdag ko na masasabi ko na successful ako kasi pangarap ko sa mga tao ko na magkaroon din sila ng sariling bahay. Kapag ‘yun ang nangyari, ‘pag nabigyan ko sila ng sarili nilang bahay masasabi kong succesful na ako,” mahabang paliwanag ni Kiray.
Ibinahagi rin ni Kiray ang takbo ng kanyang buhay ngayon.
“Dati dalawang beses nakakakain, ngayon tatlo na, ah ano pa ba? I guess ‘yung mga kailangan ng mga pamangkin ko mas naibibigay ko na po, kasi napapansin ko na uy infairness umaayos na rin ‘yung mga gamit nil, ‘yung mga ganoon po, parang naiiba ko rin ‘yung buhay nila.”
Ilan sa produkto ng Kiray’s Brand ang Hot Babe Green Collection ang Chamomile Tea – helps with digestion and lowers cholesterol,
Lemongrass Pandan – promotes detoxification and cleansing at Pistachio Matcha – supports wellness and weight management.
Kasabay na ini-launch sa Kiray’s Brand ang dalawang bagong produkto ng Skin Vibe ang Singova Bleaching Scrub – for gentle exfoliation and smoother skin at Pwettura Bleaching Cream – for skin brightening and an even complexion
Ang Hot Babe Green line and Skin Vibe products ay available sa mga major e-commerce platforms katulad ng Facebook, TikTok Shop, Shopee, at Lazada.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com