MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI naibigan ni Mommy Min Bernardo, ang mga post na gamit ang larawan at pangalan ng kanyang anak na si Kathryn Bernardo sa ginagawa nitong pagtulong sa mga biktima ng kalamidad, na kesyo puro pictorial lang daw.
Kaya naman to the rescue si Mommy Min para ipagtanggol ang anak at nag-post sa Instagram ng statement ng Star Magic na may caption na, “Please stop using my daughter’s name or image on your platform, especially if the stories you share are not true/splice. Ang isang kwento ‘pag dinagdagan o binawasan ng kahit isang salita, naiiba ang kahulugan, at nagiging fake news.
“Don’t twist the story, para lang dumami ang viewers nyo. It’s unfair! We’ve endured in silence for so long because of dagdag bawas at pag-twist ng kwento but silence means we agree with what is being said.
“Remember, as a mother, there’s a limit to how much pain and silence one can bear!”
paalala, pakiusap, mensahe ni Mommy Min.
Naglabas din ng statement ang Star Magic, management ni Kathryn kaugnay sa nasabing fake post.
“Star Magic would like to inform the public that our artist Kathryn Bernardo did not make the remark that is circulating on social media.
“We ask everyone not to share the fake post and verify information before sharing.
“Maraming salamat!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com