RATED R
ni Rommel Gonzales
PATULOY ang buong puwersa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na lubhang napinsala ng magkakasunod na kalamidad.
Sa Camarines Sur, nagbigay ng tulong ang GMAKF sa pamamagitan ng food packs sa 2,000 pamilya o 8,000 na indibidwal.
Nakarating na rin sa Quezon Province at Cagayan ang GMAKF para sa relief distribution efforts sa mga apektadong komunidad ng Super Typhoon Uwan.
Samantala, sa mga lugar na napinsala naman ng Bagyong Tino, naghatid din ng mga relief good ang GMAKF sa 1,200 na pamilya o 4,800 na indibidwal sa Talisay City, Cebu.
Naglunsad din ng relief distribution efforts ang GMAKF sa Silago, Southern Leyte, at nagbigay tulong sa 1,500 na pamilya o 6,000 na indibidwal. Sa Homonhon Island, Eastern Samar, 2,000 food packs ang ipinamigay ng GMAKF sa mga apektdadong pamilya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com