Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 kahon ng doxycycline sa Pamahalaang Lungsod ng Dagupan nitong Huwebes, 13 Nobyembre 2025, sa City Health Office.
Ang bawat kahon ay may lamang 50 capsules, na agad gagamitin ng City Health Office (CHO) para sa proteksiyon ng mga frontliners, responders, at residente lalo na sa gitna ng patuloy na banta ng leptospirosis sa mga binabahang lugar sa lungsod.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Dagupan ang pagtanggap ng mga gamot, kabilang sina Mayor Belen Fernandez, City Health Officer Dr. Ma. Julita De Venecia, at Councilor Danee Canto. Kasamang dumalo ang mga kawani ng CHO at kinatawan mula sa FPJ Panday Bayanihan Party-list.
Ayon sa CHO, makatutulong nang malaki ang mga ipinagkaloob na gamot upang mas mapalakas ang kanilang preventive measures laban sa leptospirosis, lalo na sa mga komunidad na mataas ang exposure sa baha.
Patuloy din ang koordinasyon sa FPJ Panday Bayanihan upang masiguro ang mabilis na distribusyon at tamang paggamit ng mga gamot sa mga barangay.
Sa larawan (mula kaliwa pakanan): Nurse Tina Cayabyab (CHO Nurse), Councilor Danee Canto, Mayor Belen Fernandez, Dr. Ma. Julita De Venecia (City Health Officer), FPJ PB PL Staff, at iba pang CHO Staff.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com