Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Reid Issa Pressman Karen Davila

Issa nag-breakdown kay Karen; James awang-awa

MATAPOS ang ilang taong pananahimik, babasagin na ni Issa Pressman ang katahimikan sa isang exclusive at heart-to-heart interview ni Karen Davila, ngayong araw, November 13, Huwebes sa @KarenDavilaOfficial sa YouTube.

Bubuksan ni Issa ang pinto ng tahanan nila ng boyfriend niyang si James Reid, habang ikinukwento niya ang pagiging miyembro ng LGBTQIA+ bilang isang bisexual at ang kanyang tatlong taong laban sa anxiety, depression, at self-harm — at kung paano naging sandigan niya sina James at ang kanyang ate na si Yassi Pressman, sa mga panahong iyon.

Binalikan din ni Issa ang kanilang simpleng simula ni Yassi — dalawang batang babae na tumutulong sa pamilya matapos mawalan ng trabaho ang kanilang ama, at habang ang ina naman nila ay kailangang mangibang-bansa para maghanapbuhay. 

Doon nasubok ang kanilang tibay at pagmamahalan bilang pamilya.

Sa isang hindi malilimutang eksena, napaiyak si Issa habang si James naman na nagbigay ng isang touching cameo, ay makikitang pinipigilan ang luha.

Ano nga ba ang nagpaabot sa kanila sa ganitong tindi ng emosyon?

Ibinahagi rin ni Issa ang kanyang journey sa pag-ibig — kung paano niya piniling manahimik sa gitna ng mga tsismis, umaasang kusa ring mawawala ang mga maling akusasyon. 

Sa unang pagkakataon, inamin niyang siya ang pangalawang babae na nakarelasyon ni James matapos ang break-up nito kay Nadine Lustre noong 2019 — isang yugto na nagturo sa kanya ng paglago, pag-unawa, at self-worth.

The past is behind us and I’ve managed to see and be grateful for the growth this challenge brought,” ani Issa. “It’s about healing — for me, ayokong may mawala pa ang isa pang magandang kaluluwa. Kailangan nang matigil ang bullying.”

Ang kwento ni Issa ay paalala na sa likod ng bawat ngiti, may pinagdaraanan ang bawat tao.

Na pag-ibig, kabaitan, at tapang ang patuloy na nagbibigay liwanag kahit sa pinakamadilim na laban — lalo na sa harap ng matinding pambu-bully.

Ang interview na ito ay higit pa sa simpleng kwento — ito ay paalala na: maaaring may life-and-death struggle sa likod ng bawat ngiti; na ang kabutihan ay nakakapagligtas ng buhay; at ang pagsasalita tungkol sa mental health ay hindi kahinaan, kundi tunay na anyo ng tapang.

Samahan sina Karen at Issa sa isang heartfelt conversation na layuning basagin ang katahimikan tungkol sa mental health, bullying, at self-harm — at magbigay-inspirasyon sa iba na humingi ng tulong, magpakita ng malasakit, at maniwala sa paggaling.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …