MATABIL
ni John Fontanilla
WALA ng balak gumawa ng proyektong nangangailangan ng seksing eksena si Ryza Cenon dahil na rin sa lumalaki na ang kanyang anak na si Night at baka raw ma-bully ito sa school.
“No sexy muna, no kissing scene kasi like po niyong may ginawa ako sa Viva One kasama ko sina Carlo Aquino, Pauleen nandoon siya sa pictorial (Night) nakita ko inaaway niya si Carlo kasi medyo close kami, ayaw niya ng ganoon, medyo protective ang anak ko.
“Kaya sobrang pili po ng kinukuha kong project dahil lagi ko siya kasama, nakikita niya ‘yung ginagawa ko,” esplika ni Ryza.
Dagdag pa nito, “At saka baka ‘pag gumawa ako ng sexy na eksena tapos mapanood ng mga kaklase niya, baka ma-bully siya. Sa kanya (Night) madali ko ma-explain sasabihin ko na work lang ‘yun.
“Pero sa mga kaklase niya hindi. Kaya mas okey na ‘di na lang ako gagawa ng proyekto na mga sexy,” giit pa ng aktres.
Kaya ngayon ay mapili siya sa pagtanggap ng proyekto para na rin sa kanyang anak at dito nga sa VMB(Viva Movie Box) ang project ni Ryza ay ang Inagaw na Anak.
Ginagampanan ni Ryza sa Inagaw na Anak ang ina na inagawan ng anak. Makakasama niya ang award winning child star na si Althea Ruedas sa direksiyon ni Christian Lat.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com