Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jasmine Curtis Smith Ppen Endings

Jasmine proud at ipinagmamalaki Open Endings

RATED R
ni Rommel Gonzales

KASALI ang pelikulang Open Endings sa 13th QCinema International Film Festival (Asian Next Wave competition section). Noong Oktubre, ay kasali rin ang pelikula sa 21st Cinemalaya Independent Film Festival.

“Alam mo, napaka-proud namin sa pelikula naming ‘Open Endings’ because siyempre ang initial plan lang naman namin is for Cinemalaya and we’re very happy that we’re included in QCinema Film Festival,” umpisang bulalas ng isa sa mga bida sa pelikula na si Jasmine Curtis-Smith.

“Kasi malaki rin ang naitulong ng office ni Mayor Joy and also lahat halos ng mga location namin are also filmed in QC so it’s a full circle para sa akin,” dagdag pa ni Jasmine.

Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Chairperson ng QCinema film festival.

Ukol sa lesbianism ang Open Endings, ano ang opinyon ni Jasmine tungkol dito?

“I think it’s a great theme to be able to showcase ngayon lalo na nakita naman natin na halos lahat, if not all, ng screenings namin sa Cinemalaya sold out.

“So there is audience for the queer films and also the queer community is looking for films like ‘Open Endings,’ so nakatutuwa na nakikita natin na effective ang paglabas ng isang queer film tulad nito.”

Kasama ni Jasmine sa pelikula sina Janella Salvador, Leanne Mamonong, at Klea Pineda.

Ang QCinema 13 ay mapapanood sa mga piling sinehan sa Quezon City tulad ng Gateway, Trinoma, Eastwood, Fishermall, Cloverleaf, at Robinsons Galleria mula Nobyembre 14 hanggang 23 at ang ticket price ay P250.

Sa direksiyon ni Nigel Santos, ang gala ng Open Endings ay sa November 16 sa Gateway Cinema 11, 2:35 p.m. at mapapanood din sa November 17, 3:30 p.m. sa Trinoma Cinema 3.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …