MATABIL
ni John Fontanilla
GAANO katotoo ang balitang nagbabalak daw sina Coco Martin at Julia Montes na bumili ng property sa Spain?
Nagbakasyon na dati ang dalawa sa Spain na tiyak nagandahan sila sa ganda ng lugar. Kaya naman baka ito ang nagbunsod sa kanila para magbalak bumili ng bahay. Sinasabing inaayos na raw ng mga ito ang mga dukomentong kakailanganin para maka-acquire ng property doon.
Una nang napabalitang bumili ng bahay doon si Bea Alonzo.
Sa ngayon ay wala pang pormal na pahayag sina Coco at Julia ukol sa pagbili ng property sa Spain.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com