Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Araneta Xmas Tree

Nangingislap ang Araneta City sa saya ng kapaskuhan sa pag-iilaw ng iconic giant Christmas tree

MULING pinasigla ng Araneta City ang diwa ng Pasko sa taunang pag-iilaw ng kanilang iconic giant Christmas tree nitong Huwebes Nobyembre 6, 2025, sa temang “Christmas Glows in the City: Built by memories, lit by hope!”

Nagdala ng saya at kulay ang punong may higit 8,000 ilaw, 3,000 garlands, at makukulay na palamuti na nakatayo sa pagitan ng Smart Araneta Coliseum at Fiesta Carnival — simbolo ng tradisyong nagsimula pa noong 1981.

Tampok sa masayang programa sina Vice Ganda, Joshua Garcia, Mika Salamanca, Brent Manalo, BGYO, at iba pang bituin, kasama ang mga opisyal ng Quezon City, Araneta Group, at mga Binibining Pilipinas queens.

Inilunsad din sa okasyon ang “Dashing Through the Glow!” car raffle promo, kung saan may pagkakataong manalo ng Jetour T2 Lightning i-DM 2025 Plug-in Hybrid Electric Vehicle SUV sa bawat ₱1,500 na single-receipt purchase sa alinmang establisimyento sa Araneta City. Tatakbo ang promo mula Nobyembre 7, 2025 hanggang Pebrero 1, 2026.

Ayon kay Marjorie Go, Vice President for Marketing ng Araneta City, “Sa kabila ng mga hamon ng taon, ang diwa ng Pasko ay patuloy na nagbibigay pag-asa at kagalakan. Nais naming maging tahanan ng masasayang alaala ang Araneta City.”

Bukod sa tree lighting, tampok din ang iba pang holiday activities gaya ng Parolan bazaar, weekend fireworks, chorale performances, at Santa Claus and Friends Mall Parade na magpapatuloy hanggang Disyembre.

Upang higit pang pasayahin ang kapaskuhan, magkakaroon din ng 11.11 Sale, Black Friday Sale, at Cyber Monday Sale, na may mga diskwento para sa mga mamimili.

Ang Araneta City ay patuloy na nagiging sentro ng kasiyahan at pag-asa tuwing Pasko, na nagbibigay ng mga dahilan upang magsama-sama ang pamilya at mga kaibigan sa City of Firsts.

Para sa mga update tungkol sa Araneta City, bisitahin ang kanilang opisyal na website, o sundan sila sa Facebook, Instagram, YouTube, at TikTok. I-download din ang Araneta City mobile app sa Apple App Store (iOS) o Google Play Store (Android) para sa pinakabagong promos at kaganapan. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …