RATED R
ni Rommel Gonzales
KASALANAN ng aktres na si Sylvia Sanchez ang pagiging adik ko… sa pagbabakasyon sa Bangkok sa bansang Thailand.
Taong 1994, 31 taon na ang nakalilipas, noong una akong nakatuntong sa Bangkok. All-expenses paid ang bakasyon namin dahil inilibre kami ni Sylvia at ng negosyante niyang mister na si Art Atayde na kung tawagin namin ay “Papa Art” dahil sunod ang luho at layaw namin sa napaka-generous na asawa ni Jossette, tunay na pangalan ni Sylvia.
Yes, year 1994, libre ang airfare namin from Manila to Suvarnabhumi Airport sa Bangkok at pati pauwi sa Pilipinas.
Libre rin ang hotel namin, ang First House hotel sa gitna mismo ng mga night market sa Bangkok. At dahil shopping hub ang Bangkok, pati baht (Thailand currency) ay binigyan kami ni Papa Art para mag-shopping.
Pati pagkain sa mga pabuloszng Thai restaurants ay inilibre rin kami ng mag-asawang Atayde kaya naman sa unang pagkakataon, year 1994 nga, ay nakatikim kami ng authentic Thai cuisine, roon mismo sa Thailand.
Magmula noon ay may kung may anong magic na sa akin ang naturang bansa kaya naman halos taon-taon sa mga sumunod na taon, hanggang this year 2025, makalipas ang 31 years, oo, 31 years, ay binabalik-balikan na namin ang Thailand na naging second home na namin at home away from home.
Last year nga, sa unang pagkakataon, matapos naming magpabalik-balik sa Bangkok ay napuntahan namin, on a solo trip, ang Phuket, na maituturing na Boracay ng Thailand.
Sa susunod na taon, year 2026, sa kaarawan ko sa Mayo ay balak kong muling magbakasyon sa Thailand.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com