MATABIL
ni John Fontanilla
PINASALAMATAN ng kauna-unahang champion ng Stars On The Floor na si Rodjun Cruz ang kanyang pamilya sa suporta sa kanya sa buong laban nito na kapareha si Dasuri Choi.
Ito ang pangalawang beses na nag-champion si Rodjun na puwede nang ituring na King of The Dance Floor. Nagwagi rin ito 18 years ago sa U Can Dance.
Ayon kay Rodjun, “Gusto ko lang magpasalamat sa wife ko (Dianne Medina) kasi sobrang supportive talaga niya, and noong nanalo ako umiyak din ‘yan kasi alam ko ‘yung love niya sa akin.”
Dagdag pa nito, “Siya ‘yung nakakakita kapag umuuwi ako sa bahay na, ang sakit ng likuran ko, ‘pag gumigising ako na may stif neck, masakit ang braso ko, sila nila Rayver, ‘yung kuya ko si kuya Omar. Sila ang nagpapalakas ng loob ko.”
Pinasalamatan din nito ang kanyang beautiful kids na sina Joaquin at bunsong si Isabella.
“And siyempre ‘yung kids ko, si Isabella marinig lang ‘yung ‘Stars on the Floor’ pumapalakpak na ‘yan.
“Tapos si Joaquin naman kasi umuuwi ako mga 12:00 midnight na, hinihintay ako niyan palagi. Hinihintay ako niyan, sa sala namin, ‘di pa ako kuntento sa rehearsal, dahil siyempre gusto ko nga ma-perfect sa day niyong laban, nagre-rehearse pa ko niyan.
“Sabi ni Joaquin, ‘What are you doing?’ Sasabihin ko, ‘ I’m just practicing my contemporary dance.’ Kaya ‘pag sinabi ko ko ‘we do the contemporary dance’ nag- slide, slide ‘din ‘yan, umiikot-ikot kasi nakikita ako ni Joaquin.
“Siyempre sa future sigurado na ‘yan, dahil tuturuan ko ‘yan sumayaw, kumanta lahat-lahat,” pagtatapos ni Rodjun patungkol sa mga anak sakaling tahakin din ang pagsasayaw at pag-aartista.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com