Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABIL
ni John Fontanilla

GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA 7, hosted by Alden Richards.

Win na win sa puso ng mga hurado ang napakalinis at napakahusay na final dance performance nina Rodjun at Dasuri, kaya naman sila ang nagwagi.

Pangalawang beses nang nanalo at nag-champion si Rodjun na puwede nang ituring na King of The Dance Floor. Unang nagwagi 18 si Rodjun sa U Can Dance.

Ayon nga kay Rodjun, “Overwhelming! and grabe ‘yung fulfillment!

“Iba ‘yung happiness talaga, kasi after ng hardwork namin, ilang months na training, finally, nakamit din namin ni Dasuri ang tagumpay,” anang aktor.

Dagdag pa nito, “Sobrang saya talaga. Hanggang ngayon ‘yung happines ko is overflowing.”

At kahit dalawang beses na ngang nag-champion sa sayawan si Rodjun ay naniniwala ito na mas magaling sumayaw sa kanya ang kapatid na si Rayver Cruz kahit siya ang nagturo rito.

Sa totoo lang, magiging honest lang po ako. Ako po ang nagturo kay Rayver na sumayaw. 

Pero sa ngayon, mas magaling po sa akin si Rayver, napakalinis niyang gumalaw at graceful.” 

At sa pagwawagi ni Rodjun sa Stars on the Floor ay mga proyekto na itong gagawin sa Kapuso Network at isa rito ang pagbabalik sa pag-arte.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …