SINALUDUHAN ng netizens ang masipag at tapat magserbisyo na si Pasig Mayor Vico Sotto nang makita ang larawan nito na suot ang sapatos na ipinamimigay ng City Governent ng Pasig sa mga public elementary at high school students.
Ang litrato ay ipinost ng aktres at maybahay ni Vic Sotto na si Pauleen Luna na kuha sa isa sa Sotto family gathering.
Pinusuan ito ng mga netizens at nagbigay ng iba’t ibang komento, at ilan dito ay ang mga sumusunod:
“Hahaha si Mayor @vicosotto bat naman naka rubber shoes ng Pasig, cutie!”
“Gahaha, pogi ni Mayor sa rubber shoes”
“Ganda ng shoes ni Mayor, akala ko rin OT.”
“Nakakatuwa po ‘yung rubber shoes n’yo, Pasig shoes!” (John Fontanilla)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com