Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Kim Chiu Martin Nievera Gladys Reyes Piolo Pascual

Celebrity Businesswoman Cecille Bravo nominado bilang Darling of the Press sa Star Awards

MATABIL
ni John Fontanilla

NOMINADO ang Celebrity businesswoman at Philanthropist na si Cecille Bravo ng Intele Builders and Development  Corpotation sa 41st Star Awards for Movies bilang Darling of the Press. Makakalaban niya ang ilang celebrities na malapit din sa puso ng mga press.

Ilan dito ay sina Kim Chiu, Rez Cortez, Baby Go, Martin Nievera, Imelda Papin, Piolo Pascua, at Gladys Reyes.

Bukod sa pagiging businesswoman ay isa rin itong film producer, na ilan sa  mga ginawang pelikul ay ang Co-Love at Faney.

Minsan na rin itong umarte sa pelikula, napanood itong nag-cameo sa Co-Love kasama sina Jameson Blake, Kira Baringer, Alexa Ilacad, at KD Estrada at bumida sa Aking Mga Anak na nakatrabaho sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Jace Fierre atbp..

Well deserved sa  nominasyong nakuha niya bilang Darling of the Press  si Ms Cecille dahil sa pagmamahal at suporta nito sa showbiz industry at sa press people.

Ang 41st Star Awards for Movies ay magaganap sa November 30, 2025 (Sunday), sa San Juan Theater, Pinaglabanan Road, San Juan City. Produced by GSD Productions, headed by the dynamic Ms. Elai Tabilog, and directed by the visionary Jorron Lee Monroy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …