POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda and itinatatag niyang “aralan ng mga ‘Albay Institute of Artificial Intelligence (AIAI), ang kauna-unahang gayong paaralang pinasimulan ng isang lokal na pamahalaan sa bansa.
Ayon kay Salceda, ang AIAI ay isang “institusiyon o aralan kaugnay sa pagbuo ng mga paraan, sistema at mahahalagang bagay sa pamamagitan ng masusing pagbalangkas, eksperimentasiyon at paglikha.” Itataguyod nito ang mga programang magtuturo sa mga Albayano kung paano gamitin ang ‘Artificial Intelligence’ (AI) sa pagtugon at paglutas ng mga problema at gamitin nila ang natutunang solusiyon sa pagtatag ng mga makabuluhang nrgosyo at hanapbuhay.
“Higit sa lahat, naid nating hindi dapar matakot ang tao sa AI na nariyan na at patuloy na lumalago,” pahayag niya matapos niya lagdaan ang kasulatan sa isang 2,000 metro kwadeadong lupaing donasyon niya para sa pasilidad kung saan itatatag din ang ‘Disaster Risk Reduction Training Institute’ at ‘Land Transportation Office.’”
Ang AIAI at loteng pagtatayuan nito, sabi ni Salceda ay regalo niya sa mga mamamayan ng Polangui. Ang paglunsad sa naturang pasilidad at programa ay ginanap isang araw pagkatapos ng kanyang kaarawan nito nakaraang ika-26 ng Oktobre.
Bilang pasimula ng AIAI, magbubukas ito sa pamamagitan ng mga ‘online programs and assessements’ na may sertipikasyong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ayon kay Christian Dy na ‘Program Director’ nito.
Isang resperadong ekonmista at beteranong mambabatas na nagtapos ng kanyang termino sa Kamara noong nakaraang Mayo, pinamumunuan ngayon ni Salceda ang ‘Institute for Risk and Strategic Studies, Inc.,’ na kiala rin sa pangalang ‘Salceda Research,’ isang ‘policy-oriented think tank’ na nakabase sa Maynila, at nakatuon sa mga kritikal na usapin gaya ng ‘economic and fiscal reforms, risk reduction and management’ at iba pang maseselang isyu.
Pinuna ni Salceda na napakabilis ng pagsulong mg ‘Artificial intelligence’ kumpara sa ibang teknolojiya. ”Yung inaakala naming aabutin ng 10 taon, nangyari sa loob lamang ng dalawan taon. Yung mga sistema na mukhang ‘experimental’ lamang noong 2022, passado na sa masusing mga pagsusuri noong 2024. Kahiy nga mga ‘modules’ ng TESDA noong 2024, mukhang laos na rin.” Dagdag niya.
“‘Artificial intelligence’ ang susunod na lukso para da lahat. Pati ekonomiya, babaguhin nito, kaya lang mukhang atrasado tayo sa usaping AI,” dagdag niya.
Sa pagsusuri ng ‘International Monetary Fund’ ayon kay Salceda, mababa ang antas ng kahandaan ng Pilipinas sa AI. “Kahit sa marami nating mga Pamantasan, takot pa rin ang unang reaksiyon sa AI kaya ito ay ipinagbabawal sa ilang paaralan. Ilan lang sa kanila, gaya ng University of the Philippines Los Baños, ang may mga panuntunan sa paggamit nito, kaya nakakalungkot ito. Ang pagsulong ng kabihasnan ng lipunan ay laging sumusunod sa pag-asenso ng pagsusuri,” paliwanag niya.
Ayon kay Salceda, “mula sa pagtala ng mgatransaksiyon sa negosyo, sa paggamit ng matematika sa paglalakbay, hanggang sa mga instrumento at makinang ginaganit sa milyon-milyong pagkwenta ng kilos bawat segundo, nagpapalawak ito sa kakayahan ng utak ng tao.”
“Sa Salceda Research, sinuri naming muli ang mga ‘curriculun’ sa ilalim ng ‘Commission on Higher Education.’ Sa ‘Accounting,’ hanggang sa mga 80% ng mga gawaing saklaw nito ay magagawa na ng AI. Karamihan sa mga hindi nito magagawa ay kaugnay sa paghusga. Ang pagdesisyon kaugnay naman sa sistema,aymalapit “ dagdag na paliwanag niya.
“Noong nagaral ako sa ‘Asian Institute of Management,’ natutunan kong ang pagganap sa isang gawain ay nakabatay sa paghusga, pag-aakala at diskarte. Sa tatlong ito, diskarte ang pinakamadaling diskartehan ng AI bagama’t madali ng magawan ng paraan ng mga makina ang pag-aakala. Tanging paghusga na lamang ang pinakamahirap pakialaman ng makina. Lalong mahirap talagang gumawa ng akmang paghusga ang AI kung takot tayo dito,” sabi nya.
Binigyang diin din ni Salceda na “ang buod ng karamihan sa mga sistemang AI ay ang natural na pag-unawa sa wika na dapat maunawaan ng mga ‘computer’ para magawa rin nilang magsalita na parang tao. Hindi na tayo kailangan pang gumawang ng ’code’ kung maliwanag ang sinasabi natin dahil ‘computer’ na mismo ang gagawa nito para sa atin.”
“Hindi naman babagal ang mundo para sa mga taong matatalo ng AI ngunit sadyang mahalagang matuto at manguna tayo. Ito ay ayon na rin sa tinatawag na ‘Salceda Doctrine,’ isang balangkas at pamantayan ng kapangyarihan ng tao na konektado sa kakayahan nating maempleyo, mamuhunan, magnegosyo, gumawa ng mahalagang mga produkto; at pati na rin sa kultura at siyensiya na sama-sama sa ilalim ng isang sistemang ay magsisilbing daan para mabisa tayong makibagay sa ating kapaligiran.” Magagawa ito sa ilalim ng mga sumusunod na pamantayan:
“Una. Dapat may kakayahang maempleyo tayo na mangyayari kung may kaalaman sa sinsiya, ‘digital literacy’ at kahusayang teknikal na maibibigay sa atin ng AI. Kailangan din sa ‘climate change’ ang kakayahang ito kaugnay sa ‘renewable energy,’ mga impra-estraktura at ‘adaptation;’
“Pangalawa. Dapat magkaroon din tayo ng kakayahang mamuhunan, magnegosyo at maging ‘employer.’ Tandaan natin na karamihan sa mga rehistradong negosyo sa ating bansa ay mga ‘micro, small, and medium enterprises’ kung saan marami ang nagtatrabaho;
“Pangatlo. Dapat maging mga ‘producers’ din tayo, lalo na sa agrikultura at maliliit na industriya. Mga 25% poesiyento b gating mga manggagawa ay na agrikultura ngunit mga 10% lamang ang naiaambag sa GDP ng bansa. Ipinahihiwatig lamang nito lamang nito kung gaano kalaki ang potensiyal na hindi natin nabibigyan ng kaganapan. Ang pagpapasigla sa produksiyon ay hindi lamang tungkol sa kasiguruhan sa pagkain. Tungkol din ito sa pagpapaigla at progreso nf bayan at mga mamamayan;
“Pang-apat. Dapat in nating pasulungin ang kaalaman ng mga mamamayan sa arte. Mga pitong porsiyento lamang ang ambag ng ‘creative economy’ sa ating GDP bagama’t mga limang milyong mamamayan ang sangkot sa naturang sektor; at
“Pang-lima. Dapat isulong ang sensiya dito sa Albay, na matagal nang nagsisilbing laboratoryo tungkol sa kalikasan at akmang pagtugon sa mga hamon nito. Tayo’y namumuhay sa tabi ng isang bulkan, na nasa daanan di ng malalakas na bagyo, at nakapaloob sa tinatawag na ‘Pacific Ring of Fire.’ Dahil dito dapat kasama ang sensiya sa dapat na mga panuntunan sa ating pag-unlad – mula sa akmang pagtugon sa hamon ng mga kalamidad hanggang sa mabisang ‘climate adaptation’ at mga biyaya ng AI.”
Ayon kay Salceda, kaya ipakita ng Albay kung paano gamitin anf sensiya sa pagligtas ng maraming buhay sa pananala ng mga kalamidad, lumikha ng angkop na hanap-buhay, maisulong ang patuloy na pag-unlad nito. “Kung ang ibang bahagi ng Pilipinas ay hindi makakakilos agad ng mabilis, pangungunahan ito ng Albay tungo sa akma ang masiglang kaganapan ng makabuluhang progreso,” pahayag niya.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com