MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING netizens ang nagulat at humanga sa magandang hubog ng katawan ni Lovi Poe after two weeks ng panganganak nito sa kanilang first baby na si Monty Blencowe.
Nag-post ito ng sa Instagram ng video na buntis siya at after two weeks nakapanganak na, at may caption na: “Last week of pregnancy vs 2 weeks postpartum.”
Maraming kapwa nito artista ang namangha at nagulat sa mabilis na pagbabalik- alindog ni Lovi at ang ilan dito ay sina Coney Reyes, Danita Paner, Carla Abellana atbp..
Habang iba’t iba naman ang naging komento ng netizens sa video ni Lovie at ilan dito ay:. “Glowing momma”
“Grabe parang di ka naman nanganak”
“Grabe naman yun!”
“Ganda Morena Power!!! ‘
“How on earth ???”
“Sexy na ulit”
“Parang nagdighay lang siya”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com