Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carinderia vendor wagi ng Next-Gen Toyota Tamaraw sa TNT promo

Carinderia vendor wagi ng Next-Gen Toyota Tamaraw sa TNT promo

ISANG carinderia vendor at ina ng tatlo mula Siargao ang grand winner ng isang Next Generation Toyota Tamaraw mula sa value mobile brand na TNT. Ito ay kaugnay ng   Anibersaya 25 na nagpapatunay na akala’y maliliit na gawain tulad ng pag-load ng iyong paboritong TNT promo ay maaaring humantong sa malaking pagbabago ng buhay.

Sabi nga ni Gloryjean B. Acido, 30, ng Daku Island, Siargao, nag-load lamang siya ng TNT Saya All 99 at sumali sa raffle. Hindi niya akalain na ang kanyang entry ay magiging daan para manalo sa TNT ngayong taon.

“Naghahalong saya at kaba,” ani Acido, na inilarawan ang kanyang mga emosyon nang malaman niya na mayroon siyang napanalunang sasakyan.

Limang taon nang TNT subscriber si Acido na mayroong isang maliit na negosyo sa paglo-load. Ibinahagi niya na malaki ang maitutulong ng Next Generation Toyota Tamaraw sa pagsuporta sa kabuhayan ng kanilang pamilya.

“Malaking tulong po ito lalo na sa asawa ko dahil construction worker po siya. Magagamit po ang sasakyan para sa mga matervales,” pagbabahagi ni Acido.

Sa buong Anibersaya 25 campaign, ang TNT, ang pinakamalaking mobile brand sa bansa, ay mayroong pagpapahalaga sa mga tagasuporta sa pamamagitan ng mga kapana-panabik na premyo tulad ng smartphones, relo, at pera. Iginawad din ng TNT ang isa pang pangunahing premyo, isang one-year supply ng load sa 25 lucky subscribers.

Our Anibersaya 25 Raffle Promo is our way of celebrating this milestone year with our Ka-Tropas across the country. Their continued loyalty and support inspire us to stay true to our mission of bringig saya to more Filipinos through value-packed offers and a superior mobile experience,” ani Lloyd R. Manaloto, FVP sa Smart, parent company ng TNT.

At para magdala ng mas maraming ‘saya’ sa Ka-Tropas sa buong bansa, ang TNT ay may hatid din ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng Surpresa Promo, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga subscriber na manalo ng hanggang P2.5-M cash at  iba pang papremyo.

Sa TNT Surepresa, ang mga subscriber na naglo-load ng mga piling TNT promo ay maaaring kumita ng raffle entries para magwagi ng P25,000 kada linggo para sa unang Linggo hanggang walo, P100,000 sa ika-9 na Linggo, P500,000 sa ika-10 Linggo, P1-M sa ika-11 Linggo, at grand prize na P2.5-M sa final draw.

Para makasali, i-text lang ang SUREPRESA sa 5858. Kung mas malaki ang load, mas maraming token at raffle entries ang makukuha – na nagbibigay sa mga subscriber ng mas maraming pagkakataon na manalo ng mga reward na cash na makapagpapabago sa buhay.

Para malaman pa ang tungkol sa TNT Surepresa promo, bisitahin ang https://tntph.com/Pages/surepresa2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …