KASADO na ang buong sistema ng Maynila sa All Saints Day at All Souls Day sa mga public cemetery sa lungsod.
Sinabi ito ni mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng mga frontline departments ng city government upang masiguro na maipatutupad at maibibigay ang mga pangangailangan sa Manila North, Manila South, at Islamic cemeteries ngayong Undas.
Sa isinagawang city government’s directional meeting kahapon, sinabi ni Mayor Isko na ngayon pa lamang ay dapat nang pumuwesto ang mga tauhan ng city hall bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga nais dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.
Paalala ng alkalde, ipinagbabawal ang pagtitinda sa loob ng sementeryo at tanging ang mga awtorisadong vendor na may itinalagang puwesto ang papayagang makapagtinda.
Ipinaalerto ni Yorme ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) upang gabayan ang mga magulang at guardian sakaling mawala ang kanilang mga anak. Nagtakda na rfin command posts para sa mga senior citizens at PWDs.
Iniutos ng alkalde ang round-the-clock coordination sa Manila Police District (MPD), Department of Public Services (DPS), at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, kalinisan, at trapiko.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com