Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

“Ang sabi sa akin…” vs. “Ako mismo…”

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

SA GITNA ng mga imbestigasyon sa flood control anomalies, malinaw ang pagkakaiba ng dalawang uri ng testigo: ‘yung nakarinig lang at ‘yung mismong nakakita.

Si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, ayon sa mga lumabas sa pagdinig, ay puro kuwento lang ang bitbit. Maraming pangalan, maraming pahiwatig. ‘Yun nga lang ay kulang sa ebidensiya. Ang karamihan sa kanyang mga pahayag ay second-hand information, sabi-sabi mula sa kung sino-sinong kakilala o “sources”. Sa madaling sabi: may narinig, pero walang napatunayan.

Samantala, si dating Marine Orly Regala Guteza ay naglabas ng kongkretong detalye. Hindi siya nagsalita ng “sabi ni ganito” o “narinig ko raw”. Siya mismo ang nagsalaysay kung paano niya personal na ihatid ang mga maleta ng pera sa mga bahay nina Rep. Zaldy Co at Speaker Martin Romualdez. Alam niya ang eksaktong petsa, lugar, at bilang ng maleta. Hindi ito mga haka-haka lamang, kundi mga kaganapang mismong siya ang nakaranas.

Dito nagkakaiba ang bigat ng testimonya. Ang isa, parang marites sa committee room; ang isa, testigo sa kasaysayan.

Ang hearsay, puwedeng makadagdag ng kulay, pero balewala ito sa pagsasaliksik ng katotohanan. Ang personal knowledge ang tunay na pundasyon ng kredibilidad.

Kaya sa mga sumasabay sa ingay ng politika, tandaan na ang tunay na katotohanan, hindi nasusukat sa dami o makulay na mga salita. Ito ay nasusukat sa bigat ng ebidensiyang dala ng nagsalaysay ng testimonya.

Sa panahon ng puro narinig at pa-pogi sa hearing, mas kailangan natin ang mga taong nakakita, nakaranas, at nagsabi nang totoo, kahit gaano pa ito kadelikado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …