Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philippine Ports Authority PPA

2.2 milyong pasahero, inaasahang daragsa sa mga pantalan sa Undas – PPA

TINAYA ng Philippine Ports Autho­rity (PPA) ang pagdagsa ng 2.2 milyong pasahero sa mga pantalan mula 27 Oktubre hanggang 5 Nobyembre para sa paggunita sa Undas.

Ayon sa PPA, ang bilang ng mga pasahero ay may pagtaas ng 300,000, kompara sa naitalang 1.9 milyong pasahero noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, nabatid na nagsagawa ng inspeksiyon kahapon sina PPA General Manager Jay Santiago at Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa  Batangas Port, ang pinakamalaki at pinakaabalang pantalan sa bansa.

Layunin ng inspeksiyon na matiyak ang kalidad ng mga pasilidad at maayos ang paghahanda ng operasyon ng pantalan, para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Aniya, sinuspendi nila ang leave ng lahat ng empleyado upang masigurong episyente ang operasyon ng mga pantalan sa Undas.

Nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga pantalan 24/7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …