MATABIL
ni John Fontanilla
HALATANG naimbyerna si Nadine Lustre sa balitang imbes na 1,700 classrooms ang natapos ng Department of Public Works and Highway ( DPWH) noong nakaraang taon ay 22 lang ang nagawa.
Maging si Nadine ay desmayado sa legit na tsikang ito na kinompirma mismo ni DPWH Secretary Vince Dizon sa Senate Finance Committee hearing, kaya naman ipinost nito ang news article ukol dito sa kanyang Instagram.
Kaya naman sa naging post na ito ni Nadine ay maraming netizens ang natuwa at bumilib sa lakas ng loob sa pagbatikos kapag may balita tungkol sa katawalian sa gobyerno.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com