IGINIIT ni Commissioner Joel Anthony Viado sa Municipal Trial Court Branch 7 sa Cagayan de Oro (CDO) na ibalik ang kustodiya ng negosyanteng si Tony Yang sa Bureau of Immigration (BI) kung sakaling magpiyansa ang Chinese national.
Sinabi ni Viado nitong Sabado, ang kahilingan ay upang biguin ang mga pagtatangka na magtago si Yang, kung mapapalaya ng korte at tuluyang makaiwas sa mga legal na aksiyon dahil mayroon pa siyang nakabinbing deportation case kaugnay sa misrepresentation bilang Filipino.
Si Yang, gumagamit din ng pangalang Yang Jianxin sa kanyang mga dokumentong Tsino ay naiugnay sa mga operasyon ng POGO sa bansa.
Inaresto noong 2024 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City matapos siyang dumating mula CDO ng BI fugitive search unit at ng intelligence division, sa pakikipagtulungan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Kasalukuyang nakakulong ang akusadong Chinese sa CDO dahil sa mga paglabag sa falsification of public documents, perjury, at anti-aliases law, na lahat ay bailable offense.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com