Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
InnerVoices Pasko sa Ating Puso Shadows I Will Wait for You in the Rain Saksi ang mga Tala

InnerVoices may apat na bagong kanta

MATABIL
ni John Fontanilla

PAREHONG naging matagumpay ang back-to-back events ng paborito naming banda, ang InnerVoices last October 23 sa Hardrock Cafe Manila at noong October 24 sa Bar IX Molito.

Inilunsad at ipinarinig ng Innervoices ang kanilang mga bagong awitin. Isang press launch ang naganap sa Hard Rock Cafe Manila at na-enjoy namin ang kanilang Christmas song, ang Pasko sa Ating Puso. Ipinarinig din nila ang Shadows, I Will Wait for You in the Rain, at Saksi ang mga Tala.

At noong Biyernes October 24, 2025 ay ginanap sa  Bar XI Molito, Alabang, ang offical launching  ng kanilang four new songs na release sa social media digital platforms.

Bukod sa nabanggit na mga event ay sobrang blessed ang InnerVoices sa dami ng gigs, radio at TV guestings, na namamayagpag ang kanilang awitin at humamig ng mataas na boto sa Vibe.ph  Music Countdown sa TV5.

Lahat ng bagong awitin ng InnerVoices ay maganda at iba’t iba ang flavor na swak na swak sa panlasang Pinoy na mahilig sa OPM Music.

Ang InnerVoices ay  kinabibilangan nina Patrick Marcelino(Vocalist), founder at key boardist na si Atty. Rey BergadoRene Tecson (guitar), Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboards), at Joseph Esparago (percussion).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …