Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
GCash

Garantiya ng GCash: Walang data breach, sistema at users info ligtas

MANILA– Tiniyak ng GCash na walang nakitang paglabag o kompromiso ang mga forensic expert sa kanilang system.

Ang data na umano’y kumakalat online ay walang katugma sa mga opisyal na impormasyon ng GCash users.

Ito’y makaraang sabihin ng GCash na alam ng kompanya ang tungkol sa isang online post na nagsasabing ibinebenta umano ang mga impormasyon ng mga user sa dark web.

Idiniin ng kompanya na nananatili nilang prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng GCash users.

Ang naturang pahayag ay may koneksiyon sa lumaganap na online post na nagsasabing may data leak umanong kinasasangkutan ang GCash.

Ayon sa nasabing post sa isang dark web forum, isang user ang nag-aalok umano ng data records mula 2019 hanggang Oktubre 2025 kabilang ang mga eKYC (Know Your Customer) information, mga konektadong bank account, at GCash numbers.

Batay sa listahan, sinasabing kabilang sa dataset ang parehong merchant at basic users na may mga personal na detalye gaya ng pangalan, address, trabaho, at mga valid Philippine ID. Tinatayang umaabot umano sa 7–8 milyong user accounts ang laman ng dataset na ibinebenta sa halagang hanggang $25,000 at tinatanggap lamang ang bayad sa Monero (XMR) cryptocurrency.

Gayonman, sinabi ng nagbebenta na ang lahat ng data ay “unorganized” at kailangan pang mano-manong ayusin, at makikipagtransaksiyon lamang siya sa mga “existing buyers” sa dark web.

Bilang tugon sa nasabing alegasyon, agad nagsawa ng imbestigasyon ang GCash, ang kanilang cybersecurity experts, at kaukulang awtoridad upang alamin at mapatunayang walang katotohanan sa likod ng mga alegasyong ito.

Ayon sa paunang resulta ng imbestigasyon, ang sinasabing dataset sa online post ay hindi tugma sa data structure na ginagamit sa GCash system.

Natuklasan din ng kompanya na ang ibang pangalan na sangkot ay hindi mga GCash users at maraming entry ang kulang, magulo, at mali ang impormasyon.

Idiniin ng GCash na walang kahit abong ebidensiya na nagkaroon ng data breach sa sistema ng kanilang kompanya at ligtas ang lahat ng account at pera o pondo ng lahat ng kanilang mga kustomer.

“These findings strongly indicate that the material being circulated did not originate from GCash.

At this time, there is no evidence of any breach in GCash systems. All customer accounts and funds remain secure,” sabi ng GCash sa isang pahayag.

Siniguro ng GCash na patuloy silang nakikipagtulungan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Privacy Commission (NPC), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang masuri ang lahat ng impormasyon at matiyak na protektado ang kanilang system at mga user.

Patuloy ang GCash sa pangakong pangalagaan ang datos ng kanilang mga customer, palalakasin pa ang kanilang seguridad, at pananatilihin ang tiwala ng milyon-milyong Filipino na gumagamit ng naturang application.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …