
MATAGUMPAY na ipinagdiwang ng Filipino Inventors Society (FIS) ang higit walong dekada o 82nd anniversary sa temang “Legacy of Invention as a Catalyst for Global Alliances, Partnerships and Strong Circular Economy.”
Makikita sa larawan, kasama ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, Jr., ang mahusay na imbentor at herbalist, Fely Guy Ong (FGO) ng Krystall herbal products.
Ginanap ang pagdiriwang ng FIS 82nd Anniversary sa VS Hotel Ballroom noong 13 Oktubre 2025, kasabay ng pagpapanumpa sa mga bagong miyembro.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com