Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Padayon Pilipinas

Dulce, Chad, at Vina nagsama-sama para sa Padayon Pilipinas

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NASIMULAN na nila ang pagtulong. Una sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Pebrero 2020.

Kaya naisagawa ang Tulong Taal: A Musical Collaboration Concert na ginanap sa Cuneta Astrodome.

Ang pilantropong negosyanteng si Dr. Carl E. Balita ang nag-anyaya sa may mahigit 24 na artists sa isang awiting gawa ni Vehnee Saturno, na naging viral sa social media gaya ng YouTube at Spotify.

Nakalikom ng P1.4-M sa mga donasyon ang proyekto na ginamit sa pagbili ng bigas para ipamahagi sa mga nasa evacuation centers na nasalanta.

At narito tayo sa panahon na kabi-kabilaan ang lindol na nararanasan sa Luzon, Visayas hanggang Mindanao.

Muli, kasama si Vehnee at ang mag-asawang Isay Alvarez at Robert Seña, isang fund-raising concert ang muling isasagawa sa Oktubre 28, 2025, 6:00 p.m. sa Fr. Peter Yang  SVD Hall sa St. Jude Catholic School, hatid ng Dr. Carl E. Balita Foundation Inc..

Maraming artists muli ang nag-volunteer ng kanilang panahon para maging bahagi ng konsiyerto para sa kapakanan ng ating mga kababayang nilindol, nawalan  pamilya, nawalan ng kabuhayan, nawalan ng lakas ng loob sa buhay. 

Kabilang sa mga alagad ng sining na magbabahagi ng kanilang talento sa Padayon , Pilipinas  (na kantang gjnawa ni Vehnee) sina Alakim,  Alynna Velasquez, Bayang Barrios, Beverly Salviejo,  Carla Guevara-Laforteza,  Chad Borja, Dulce, Frenchie Dy, Jamie Rivera,  Jade Aban,  Jedidah, Jeminah,  Jenine Desiderio, MB40, Ladine Roxas,  Ornella Brianna, Rannie Raymundo, Renz Verano, Richard Reynoso, The Fortenors, Vehnee Saturno, Vina Morales at iba pang sorpresang panauhin at virtual performance ni David Pomeranz.

Ipinarinig sa media at ipinapanood ang video ng komposisyon ni Vehnee na  naaayon sa panahon ang tema at  sa layunin ng palabas for a good cause. Marami ang naantig. 

Ang malilikom naman  ay ididirekta sa mga pamilyang iginupo ng lindol sa Cebu, sa tulong ng mga Cebuano artist gaya nina Dulce, Chad, at Vina. At tutulong din ang SVD Task Force Linog ng Unibersidad ng San Carlosn sa nasabing bayan, na nagdiriwang ng ika-150 taon ng pagkakatatag ng Society of  the Divine Word.

Kabilang sa mga sumusuporta sa nasabing proyekto ang Dr. Carl E. Balita Review Center,  Philippine Chamber of Commerce and Industry- Quezon City (PCCI-QC), Tikme Dine, Royal Care, Mekeni, Netplates, Chef’s  Bowl of Rice,  Happy Life, REHub, UST Alumni Association, Inc. (USTAAI), The Association of Mindoreños, Inc. (TAM), RDLEN’S Printing Services, Manila Times, DZXL558, iFM, at Jobert Sucaldito.

Makaka-ambag ka ng tulong. Inaanyayahan ang mga mag-sponsor ng mga tiket  sa halagang P1,500 bawat isa.  Ang numerong kokontakin ay: 0917-1037-683 para sa karagdagang katanungan.

Sabi nga nila, “Walang hindi magagawa kung tayo’y sama-sama sa puso, sa diwa, at sa pananampalataya.”

Padayon, Pilipinas! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …