Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Nadine Lustre Call Me Mother

Teaser ng  Call Me Mother bet na bet ng netizens

MATABIL
ni John Fontanilla

TEASER pa lang ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na Call Me Mother, pasok na kaagad sa puso ng mga Pinoy na super fan ng mga Pinoy movie.

Swak ang tambalan nina Vice Ganda at Nadine Lustre na parehong may hatak sa takilya at certified blockbuster ang mga pelikulang nakakasama sa MMFF.

Unang nagkasama sina Vice at Nadine sa Petrang Kabayo noong 2010 at sa hit MMFF entry na Beauty and the Bestie noong 2015.

At sa kanilang pagsasama muli ay marami ang nag-aabang kung ano naman ang hatid ng pelikula nila. Pero base na rin sa mga nakapanood ng teaser ng movie, maraming pumuri nang ilabas ng Star Cinema, na kombinasyon ng drama, komedya at may kapupulutang aral ang pelikula ni Nadine at Vice Ganda. Kaya naman mukhang solve ang netizens sa pagbabalik tambalan ng dalawa.

Ilan sa komento ng mga netizen na nakapanood ng movie ang sumusunod:

For sure, another blockbuster movie for Vice and Nadine this MMFF 2025. Ganda ng teaser. I can’t wait to watch this movie.”

 “Just WOW, nakaka-touch at ready na ako maiyak tas biglang sa huli naalala ko never pala maa-absent ang comedy.”

“Vice’s comedy films are transforming into prestige films. The quality is top-notch.”

Makakasama rin sa movie sina Brent Manalo, Mika Salamanca, Esnyr Ranollo, Klarisse de Guzman, at Shuvee Etrata na mapapanood sa Dec. 25, 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …