RATED R
ni Rommel Gonzales
UKOL sa pamilya ang tema ng Hating Kapatid, kaya tinanong ang Legaspi family—Zoren, Carmina, Cassy and Mavy, kung hanggang saan ang kaya o puwede nilang ibigay o gawin para sa pamilya?
“Ibibigay ko ‘yung buhay ko para sa pamilya ko,” bulalas ni Carmina.
“Ako, siyempre ‘yung hindi natin maiaalis na darating ‘yung araw, normally, you know, nauuna ‘yung mga magulang kaysa anak. So, kung saka-sakali, I kind of make sure na they will be okay financially kung mawala kami ni Mina,” ani Zoren.
“So iyon ‘yung isang bagay na talagang ever since na nag-commercial sila, I make sure na financially they will be okay kung mawala man kami. So kung anumang mayroon ako, sa kanila ‘yun. Kung anumang mayroon si Mina, sa kanila rin ‘yun,” dagdag pa ng padre de pamilya ng Legaspi.
“For me naman po, I think I’ll keep it short but sweet, so ‘yung saying na what’s mine is yours, so I would like to say na I will give everything for my family, in an instant, no questions, no doubts, lahat. Everything for my family,” saad naman ni Cassy.
“Ako ganoon din, everything, I’ll give everything also,” seryosong sagot naman ni Mavy.
Napapanood ang Hating Kapatid sa GMA Afternoon Prime 2:30 p.m., Lunes hanggang Sabado.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com