Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ralph de Leon

Ralph de Leon sa kasikatan ngayon: it’s important for me to stay grounded

RATED R
ni Rommel Gonzales

PHENOMENAL ang popularidad ng mga housemate ng PBB Celebrity Collab Edition ng GMA at ABS-CBN

Natanong si Ralph de Leon, isa sa mga sumikat sa loob ng Bahay ni Kuya  kung paano niya nadadala ang kasikatan ngayon?

Well, ako talaga, it’s important for me to stay grounded.

“Alam namin na grabe talaga ‘yung ibinibigay sa amin na blessings ngayon, sa buong batch namin. Mula sa first evictee hanggang sa big winner namin, lahat very, very blessed.

“So ngayon nandito na kami, na siguro you can call it fame, you can call it whatever, pero para sa amin, we’re really trying to cherish the moment, really make the most out of all the opportunities na ibinibigay sa amin.”

Nakausap namin si Ralph sa book launch ng life coach na si Pia Acevedo, ang Here & Now: Moment to Moment sa Pavilion 1, Samba, Level 8 ng Shanghai-La The Fort sa BGC.

Kaibigan ni Ralph ang anak ni Pia kaya dumalo siya sa launch ng libro.

Samantala, kung babalikan ang naging journey ni Ralph sa Bahay Ni Kuya, bukod sa pagpapakatotoo, ano ang mga value na nakatulong sa kanya to survive?

Unang-una, dasal, can’t forget about that. Kasi ang dami mo talagang hindi masasabi sa ibang tao na itataas mo na lang talaga sa Kanya.

“Next, siyempre kailangan marunong kang makisama, because you’re going to be in that house with how many other people for who knows how long.

“Kaya kailangan talaga marunong kang makisama, marunong kang maki-mingle and really, you also have to take time for yourself.

“So kung ano mang sulok sa bahay na you can really just find your own space, your own time to reflect and just go back to your core. Kaya importante din ‘yun.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …