BIGO ang isang babae sa kanyang tangkang pagtalon sa North Luzon Expressway (NLEx) dahil sa maagap na responde ng NLEx enforcer.
Nasagip ang 20-anyos babae na hinihinalang magpapakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay sa bahagi ng NLEx sakop ng Brgy. Malhacan ng nasabing siyudad kahapon ng tanghali.
Kinilala ang babae na si alyas Nimfa, residente sa Brgy. Bayugo, Meycauayan City, Bulacan.
Dakong 12:20 ng tanghali kahapon nang maaktohan ng isang kagawad ng barangay na sumasampa sa bakod ng tulay at aktong lulundag pababa sa mismong bahagi ng NLEx.
Ayon sa enforcer, nabatid na namatayan ng anak ang babae kaya posibleng ito ang dahilan ng kanyang depresyon at tangkang pagpapakamatay.
Dinala si alyas Nimfa sa City Social Welfare para maisailalim sa counselling at debriefing.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com