Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aksyon Agad Almar Danguilan

Reporma sa COA, pinaigting ni Chair Cordoba

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAGPAPATUPAD ngayon ang Commission on Audit (COA) ng mga reporma upang mapalakas ang transparency at accountabilty, kabilang na ang pagbusisi sa sarili nitong mga tauhan. Matapos pumutok ang isyu ng “ghost” flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni COA Chair Gamaliel Cordoba na iniimbestigahan nila kung may kapabayaan o pagkakasangkot ang ilang auditors sa mga iregularidad.

Ayon kay Cordoba, ang mga natukoy na kaso ay isinasampa sa Internal Affairs Office para sa posibleng parusa, habang ang iba ay ipinapasa sa Office of the Ombudsman. Nagresulta na ito sa suspensiyon ng ilang opisyal at engineers ng DPWH.

Kabilang sa mga reporma ang paggamit ng mandatory geotagging sa lahat ng proyektong pang-impraestruktura ng gobyerno. Kasama rito ang mga proyekto ng DPWH, National Irrigation Administration, Department of Health, government-owned or controlled corporations, at mga lokal na pamahalaan. Paliwanag ni Commissioner Douglas Michael Mallillin, gagamitin na ang satellite-based geotagging upang maiwasan ang paggamit ng pekeng data na ginawa ng ilang contractor noong nakaraan.

Kasama rin sa bagong panuntunan ang obligadong deklarasyon ng personal o pinansiyal na interes ng mga auditor sa proyektong kanilang ino-audit. Paminsan-minsan ay ire-reshuffle ang kanilang mga assignment upang maiwasan ang sobrang pagiging pamilyar sa mga ahensiyang binabantayan nila. Magkakaroon din ng mga biglaang inspeksiyon upang maagapan ang anomalya bago ito lumala.

Ayon kay Cordoba, kailangang tiyakin ng COA na malinis din ang sarili nitong operasyon. Kung mismong tagabantay ay handang ma-audit, mas lalaki ang tiwala ng publiko.

Hindi madalas alam ng publiko ang tunay na saklaw ng COA. Hindi ito ang humuhuli ng mga tiwaling opisyal, kundi ang nagsusuri ng mga kontrata at bayarin. Tinitingnan nila kung dumaan sa tamang proseso, kung tama ang presyo, at kung natupad ang proyekto. Kapag may iregularidad, inilalabas ang Notice of Disallowance. Kung may halong korupsiyon, ipinapasa ito sa Ombudsman para sa kasong kriminal o administratibo.

Sa madaling sabi, hindi kalaban ng gobyerno ang COA kundi tagasuri nito. Totoo na may ilan na nagkukulang, ngunit mas marami ang tapat at masigasig sa tungkulin. Ang tunay na pagbabago ay makakamtan lamang kung bawat ahensiya ay may maayos na proseso at matuwid na pamumuno. Sa huli, ang tunay na tagapangalaga ng kaban ng bayan ay ang bawat opisyal na tapat sa serbisyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …