Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ASEAN Ministerial Meeting on Sports AMMS-8

Isang ASEAN sa Palakasan: Sama-sama Tungo sa Mas Matatag na Mundo ng Sports!

LEVEL UP na ang ASEAN pagdating sa grassroots sports, kahusayan ng atleta, at sports tourism! 

Sa sunod-sunod na world-class na events at galing ng mga atleta sa international stage, unti-unti nang kinikilala ang Southeast Asia bilang bagong sentro ng sports sa buong mundo. 

Sa 8th ASEAN Ministerial Meeting on Sports (AMMS-8) sa Hanoi, Vietnam, ibinahagi nina PSC Chairman Pato Gregorio at Commissioner Bong Coo kung gaano kahalaga ang sports sa kultura ng ating rehiyon. Ayon sa kanila, ang palakasan ay hindi lang pampalakasan—ito rin ay tulay ng pagkakaisa at pag-unlad ng ASEAN.

 “Malaki ang potensyal ng ASEAN. Gamitin natin ang sports bilang paraan para pag-isahin, itaas, at baguhin ang rehiyon. Kaya nating maging bagong sports tourism powerhouse,” ani Chairman Gregorio.

Patunay diyan ang tagumpay ng Pilipinas at Indonesia sa pag-host ng 2023 FIBA Basketball World Cup. Sunod pa rito, ang Pilipinas at Thailand ay parehong gumawa ng kasaysayan sa pagdaraos ng 2025 FIVB Volleyball Men’s at Women’s World Championships.

Sa Paris 2024 Olympics, limang ginto ang naiuwi ng ASEAN athletes—dalawa rito ay mula sa ating kababayan na si Carlos Yulo sa gymnastics!

 Mula sa simpleng simula, patungo sa ginto. Mula sa ginto, patungo sa greatness. Pinag-iisa ng sports ang mga bansa sa ASEAN.

 At ngayong 2026, nakatakdang pamunuan ng Pilipinas ang ASEAN Summit on Tourism and Sports kasabay ng pagho-host ng ika-50 ASEAN Summit. Layunin nito na maglatag ng mas malawak na kooperasyon para mapalakas pa ang presensya ng rehiyon sa buong mundo. (HNT)

Proud tayo, mga Pinoy! Tuloy lang ang laban!

#HappyAtletangPinoy

#HAPI

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …