Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SPEEd

SPEED nag-abot ng tulong sa mga batang may sakit

NAGKAROON ng mas malalim na kahulugan ang ika-8 edisyon ng The Eddys (The Entertainment Editors’ Choice), na ginanap noong Hulyo 20, ngayong taon dahil ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), ang grupo sa likod ng taunang mga parangal sa pelikula, ay nag-abot ng tulong sa Little Ark Foundation bilang natatanging benepisyaryo.

Layunin ng partnership na magbigay-suporta sa mga bata na nakikipaglaban sa mga kondisyong medikal na nagbabanta sa kanilang buhay.

We are deeply grateful to SPEED and The EDDYS for choosing Little Ark Foundation as this year’s beneficiary. Little Ark may be new, but our dream has always been big: to stand with every child and family fighting life-threatening illness,” wika ng founder ng Little Ark na si Butch Bustamante sa naganap na turnover ng tseke bilang donasyon noong Setyembre 30 sa Quezon City.

They have not only provided financial help, but more importantly, they have given our patients and families a platform to share their struggles and stories with the world. For us, that recognition is hope itself,” dagdag ni Bustamante.

Pinuri naman ng pangulo ng SPEED na si Salve Asis ang pagsisikap ng Little Ark na suportahan ang mga bata, “Not only with the care they need but also by giving them a safe place to heal and dream.

“This year, The Eddys goes beyond recognizing cinematic excellence by standing with the children who bravely fight for their lives,” pahayag pa Asis.

Ang Little Ark Foundation ay nagbibigay ng holistic assistance sa pediatric na pasyente at kanilang mga pamilya, kabilang ang pabahay para sa mga pasyente, tulong sa transportasyon sa pamamagitan ng Hope in Transit program nito, at pang-araw-araw na suporta sa pagkain.

Ang organisasyon ay nag-aayos din ng mga aktibidad sa paglalaro para sa mga batang pasyente at namamahala sa Care Cart at Care Baskets na mga inisyatiba, na nagbibigay ng kaginhawahan sa mga bata, tagapag-alaga, at kawani ng ospital.

Para sa iba pang impormasyon available ito sa littlearkfoundation.org o sa [email protected] at +63 906 403 9569.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …