Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DOH

DOH na-‘Huli Cam’ sa TV network

NABUKING si Department of Health Secretary (DOH) Ted Herbosa nang ma-“Huli Cam” ng isang television network nang inpeksiyonin nito ang isang Super Health Center (SHC) sa Marikina City.

Narinig sa live interview ng isang TV network si Herbosa na nagsalita ng “At least tayo ang nag-expose. It’s better na tayo nag-expose kaysa tayo ma-expose. Bahala na sila magpaliwanag.”

Ang pahayag ni Herbosa ay ukol sa SHC ng Concepcion Dos na tinawag niyang non-operational.

Ngunit sinabi ng lokal na pamahalaan na nagpasya itong sasagutin ang gastos sa pagtatayo ng SHC kasunod ng kabiguan ng DOH na maglabas ng pondo para sa mga susunod na phase nito.

Ipinarating ng lokal na pamahalaan ang intensiyon nito sa isang sulat kay Herbosa na may petsang 9 Oktubre 2025.

“Dahil kailangan ng tao ang serbisyong medikal, kami na ang kusang nagdesisyon mag-allocate ng P200 million budget dito sa aming budget for 2026. The super health center will not just give basic health services, but also integrate an autism center for people with special needs,” wika ni Marikina Mayor Maan Teodoro.

Sumulat na rin noong 2024 ang Marikina sa DOH na humihingi ng dagdag na P180 milyon para makompleto ang apat na palapag na Super Health Center, ngunit walang ibinigay na pondo ang ahensiya.

Natapos ang Phase 1 ng proyekto noong 2024 na binigyan ng P21 milyon sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP), na saklaw lang ang tinatawag na foundational works.

“To be clear, we have done our part as the local government to complete the first phase of the project in line with the budget provided by the DOH. Ang DOH ang may pagkukulang,” wika ni Teodoro. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …