Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sisi Rondina Bernadeth Pons Beach Volleyball
MAKIKITA ang tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa hatawan ng Volleyball World 2025 Beach Pro Tour Challenge nitong Huwebes sa Nuvali Sands Court ng Ayala Land sa Santa Rosa, Laguna. (HENRY VARGAS/ PNVF Photo)

Alas Pilipinas nasa do-or-die na laban sa Nuvali beach volley worlds

APAT na pares ng Alas Pilipinas ang nabigo sa pagsisimula ng main draw ng Volleyball World 2025 Beach Pro Tour Challenge nitong Huwebes sa Nuvali Sands Court ng Ayala Land sa Santa Rosa, Laguna, dahilan para mapunta sila sa do-or-die na sitwasyon.

Unang nabigo sina James Buytrago at Ran Abdilla kontra sa mas matatangkad na Australians sina D’Artagnan Potts at Jack Pearse, 21-14, 21-18, sa Pool H ng umaga.

Dakong hapon ay natalo sina Kly Orillaneda at Gen Eslapor sa mga taga-Finland na sina Anniina Parkkinin at Vilhelmiina Prihti, 11-21, 15-21, sa Pool H; habang sina Sonny Villapando at Dij Rodriguez ay yumuko sa New Zealand tandem na sina Shaunna Polley at Olivia MacDonald, 19-21, 14-21, sa Pool D.

Hindi rin pinalad ang kilalang tambalan nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons laban sa top-ranked Brazilians na sina Thainara Mylena Feitosa de Oliveira at Talita Simonetti, 17-21, 16-21, sa Pool G.

Hindi pa tuluyang tapos ang laban ng Alas Pilipinas, pero kailangan nilang manalo sa kanilang pangalawang laro sa main draw — at umaasa sa paborableng tiebreak — upang umusad sa torneo na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation sa pangunguna ni Ramon “Tats” Suzara.

“First time namin sa Challenge kaya marami kaming natutuhan, pero hindi pa kami out,” ani Rondina. “Grateful kami na nakalaban namin sila—matagal na silang naglalaro sa international scene.”

Ranked No. 137 sa mundo sina Rondina at Pons, habang sina Oliveira at Simonetti ay No. 72 at kabilang sa pitong world-ranked Brazilian pairs.

“Malakas ang Brazilian team na nakalaban namin—kayang mag-adjust sa kahit anong sitwasyon,” sabi ni Brazilian coach Joao “Kioday” Luciano Simao Barbosa. “Binago nila ang takbo ng laro, at hindi kami naka-adjust. Dapat naming matutuhan ito.”

Sunod na makahaharap nina Rondina at Pons ngayong Biyernes ang mga Slovenian na sina Ziva Javornik at Tajda Lovsin, ranked No. 78 sa mundo, ngunit tinalo na ng Alas sa Futures tournament sa Budapest noong nakaraang buwan, 16-21, 21-15, 15-9.

“Umaasa kaming matalo ulit namin sila,” dagdag ni Kioday.

Makakalaban naman nina Villapando at Rodriguez ang Japanese tandem na sina Sakura Ito at Mayu Sawame, habang sina Eslapor at Orillaneda ay susubok laban sa US pair na sina Teegan Van Gunst at Piper Ferch ngayong Biyernes.

Sina Buytrago at Abdilla ay lumaban para sa pananatili sa torneo laban sa mga Amerikano na sina Tim Brewster at Ryan Lerna nitong Huwebes ng gabi. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …