Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Binene Wilbert Ross

Wilbert inamin may pagkakataong hindi sila nagkakaunawaan ni Bea

RATED R
ni Rommel Gonzales

SUMIKAT si Wilbert Ross bilang miyembro ng all-male group na Hashtags ng It’s Showtime noong 2017 at naging artista rin sa ilang proyekto ng VMX, dating Vivamax.

At ngayon ay wholesome ang imahe ni Wilbert bilang ka-loveteam ni Bea Binene sa Golden Scenery of Tomorrow na Wattpad University series book ni Gwy Saludes.

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Wilbert dahil silang dalawa ni Bea ang napili bilang mga lead character sa Golden Scenery of Tomorrow ng Viva One.

Kahanga-hanga ang pagpapakatotoo ni Wilbert sa pag-amin na kahit loveteam sila ni Bea, paminsan-minsan ay nagkakaroon din sila ng mga hindi pagkakaunawaan.

Aniya, “Sobrang thankful ko rin na si Bea ang loveteam ko sa series na ito.

“May differences po kami, pero tina-try namin na i-influence ang isa’t isa sa mga positive.

“Minsan sinasabihan ko siya, ini-encourage ko siya sa mga healthy things na dapat gawin.

“Tapos, lagi niya akong pinapakain sa set. Lagi siyang may ipinatitikim na pagkain sa akin.

Okay naman po kami, we’re friends,” ang nakangiting pahayag ni Wilbert.

At ngayong sila nga ang magka-loveteam sinabi rin ni Wilbert na walang ilangan sa kanila.

 “Okay naman po kami sa working relationship namin,” saad ng binata, “magaan lang.

Kasi before medyo may akwardness.

“Walang chance, kasi wala kaming scenes together sa other books,” pagtukoy niya sa ibang university series na ginawa na nila rati sa Viva One.

Wala kaming masyadong chance to know more about each other. Ngayon po medyo kilala na namin ang isa’t isa sa mga bagay-bagay.”

Sa direksiyon ni Victor Villanueva, ang release date ng Golden Scenery of Tomorrow ay simula sa Oktubre 18 at may fresh episode weekly.

Kasama rito nina Wilbert at Bea  sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Krissha Viaje, Jerome Ponce, Hyacinth Callado, Gab Lagman, Aubrey Caraan, Lance Carr, Nicole Omillo, at Jairus Aquino

Eksklusibo ring mapapanood ang serye sa mobile app at sa www.vivaone.ph.

Maaaring i-download ang app at mag- subscribe via App Store, Google Play, or Huawei App Gallery.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …