Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Venegas Dylan Menor Jayda Avanzado Xian Lim Project Loki

Viva artist’ Martin Venegas pressured sa 2 proyektong sabay ginagawa 

MATABIL
ni John Fontanilla

PRESSURED ang Viva Artist na si Martin Venegas sa bagong proyektong ginagawa, lalo’t isa siya sa bida sa Viva One and Cignal Play first ever mystery crime-thriller Wattpad series adaptation, AkoSiIbarra’s 

series na Project Loki with Dylan MenorJayda Avanzado, at Marco Gallo.

Ginagampan ni Martin ang role bilang si Alistair, ang  matapat na kaibigan at tagapagtanggol ni Lorelei (Jayda) sa serye. 

Ayon kay Martin, “Yes ‘yung  pressure andoon pa rin. Since galing ako sa ‘Ang Mutya ng Section E,’ ‘yung transition mula romcom to thriller nakaka-pressure lang. Kasi ibang genre siya compare sa pinanggalingan ko.

“Pero at the same time, I’m excited kasi hindi na siya romcom, parang more on mystery na ito, like we gonna solve crimes mga ganoon, so ayun I’m so excited.”

Bata pa lang si Martin ay napapanood na ito sa mga  commercial at ilang pelikula like The Ship Show, Pedro Penduko at sa matagumpay na series na Ang Mutya ng Section E,  na ginagampanan nito ang role ni  Denzel. 

Bukod sa commercial at pag-arte naging recording artist din ito at nakapag-release ng ilang awitin.

At dito nga sa Project Loki ay inaral mabuti ni Martin ang role na ginagampanan niya, katulad ng ginawa niyang pag-aaral ng character niya sa Ang Mutya ng Section E.

Sa ‘Ang Mutya ng Section E,’ si Kurt tapos si  Michael, rowdy kami rito, makulit kahit off set. Makulit buong araw, buong taping day  makulit kami alam din nila ‘yan.

“Tapos same lang po roon inaral namin ‘yung characters namin bago kami mag-workshops and sa mga taping namin.

“Ganoon din po rito sa ‘Loki’ inaral po namin ‘yung characters namin, binabasa namin and ‘yun naghahanap din kami ng paggagayahan ng character na puwede ibagay sa live adaptation ng characters namin.

“Tapos yung meds (medyo) na nakalilito kasi from makulit to rowdy ganoon. Ito serious and mystery, parang nakaka-ano lang siya nakaka-pressure kasi siyempre on the way pa ‘yung season 2 ng ‘Section E,’ parang palipat-lipat ako ng personality.

“Parang ayan makulit ako ngayon tapos bukas seryoso ako. Pero masaya ‘yun kasi parang dual ‘yung personality na ginagampanan ko,” esplika ni Martin.

Ilan pa sa makakasama nina Martin sa Project Loki sina  Love Yauco  as Margarrete, Iven Lim as Bastien, Joanna Lara as Rhiannon, Michael Keith as Rye Rubio, Ashley Diaz as Rosetta and Kurt Delos Reyes as Stein.  

Ang AkoSiIbarra’s mystery-crime thriller series Project Loki will soon be available to stream on Cignal Play and Viva One app., directed by actor and pilot Xian Lim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …