Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Bea Binene

Bea excited sa kanilang loveteam ni Wilbert

RATED R
ni Rommel Gonzales

MINSAN talaga ang tadhana sa showbiz ay walang makapagsasabi.

Tulad na lamang ng career ni Bea Binene.

Si Bea ay dating Kapuso na marami na ring serye at TV shows na nagawa sa GMA at nagsimula bilang contestant sa StarStruck Kids noong 2004.

Hindi man nagkaroon ng solid na ka-loveteam noon, ngayon ay sikat ang tambalan nila ni Wilbert Rosssa Viva One. Bida sila sa seryeng Golden Scenery of Tomorrow.

After GMA 7, nagkakaroon po tayo ng mga project na nagkaroon ng kasama sa show,” umpisang lahad ni Bea.

“But ‘yung masasabing loveteam talaga, ngayon lang ulit dito sa Viva. I am very excited.

“Napaka-talented ni Wilbert.

“Dati ko pa naman sinasabi na I feel like Wilbert is such a very reliable loveteam, at napatunayan ko ‘yun.

“I think masuwerte ka kapag nakahanap ka ng katrabaho at kapartner dito sa industriya that really takes care of you at hindi lang ‘yung mema.

I feel very blessed to do this project with Wilbert.

“For this series, we want to know each other more and, I think, we’re still getting to know each other more.

“Rito sa series na ito, talagang we became really closer.

“He’s very into arts. Ako po, medyo maarte lang po ako. Talagang healthy lifestyle siya. Ako, medyo-medyo lang po.

“Pero there are things naman na nagkakasundo kami,” kuwento pa ni Bea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …