MATABIL
ni John Fontanilla
PROMISING ang 18 years old at tubong Marikina City na si Thirdy Sarmiento na isa sa frontliner ng Ppop Male Group na One Verse na pang-heartthrob ang dating tulad nina Gabby Concepcion at Aga Muhlach noong nagsisimula pa lang ang mga ito.
Ayon kay Thirdy, pangarap niyang mag-artista at makita ang sarili na umaarte sa teleserye o pelikula, katulad ng kanyang mga paboritong artista na sina Joshua Garcia at Kathryn Bernardo.
“Sa lalaki po ang paborito ko si Joshua Garcia, na-inspired po talaga ako sa kanya noong pinanood ko ‘yung mga movie niya especially po ‘yung roles niya, napakahusay niyang umarte, natural na natural.
“Sa babae naman po idol ko si Kathryn since bata pa po ako palagi ko po napapanood si Kathryn sa mga TV show niya with my mom. And since idol po siya ng mom ko, since then, I’ve always watched her movies po, at napakahusay umarte ni Kathryn.
“Hopefully if ever na mabibigyan ako ng pagkakataon na mag-artista, sana makasama ko sila at makatrabaho kahit sa pelikula o teleserye,” ani Thirdy.
At kung mabibigyan ito ng proyekto ay mas gusto niya ang drama tulad ng mga ginagawa ni Joshua.
“Mas gusto ko po makilala sa drama katulad ng idol kong si Joshua pero gusto ko rin naman subukan ang comedy at action.”
Nagpapasalamat si Thirdy kay Lord sa mga blessing na dumarating sa kanya at sa mga taong laging nariyan para sumuporta sa kanya.
Sa ngayon ay busy si Thirdy sa mga show kasama ang kanyang grupong One Verse at sa pagiging print and commercial model.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com